Ang sementeryo kilala bilang huling hantungan, himlayan ng mga patay, at pantiyon ay isang uri ng libingan sa isang lugar kung saan
inililibing ang mga patay na katawan o mga labi. Dito rin ginagawa ang
panghuling mga seremonya ng mga nagkakaiba-ibang gawaing pangkultura at
paniniwalang pangpananampalataya.
DALAWANG KILALANG SEMENTERYO SA
TAGUM CITY
=====================================================================
La Filipina Public Cemetery
Ang La Filipina Public Cemetry ay tiyak na isa sa magandang landmark ng Tagum City dahil isa ito sa pinakamatandang sementeryo.
Noon ang pampublikong sementeryong ng Tagum City ay may hindi pantay na hugis at sukat ng mga libingan na nakausli mula sa lupa. Sa panahon ng Undas nahihirapan ang mga tao na hanapin ang mga lapida ng kanialng mga mahal sa buhay. Kailangan mo pang lumukso mula sa isang libingan para makarating sa puntod ng yumaong mahal sa buhay. Hanggang sa pinaayos ito ni Mayor Rey T. Uy, pinalitan ang ayos nito. Dito, ang mga patay ay nakaayos ayon sa alpabeto. Dahil dito naging maginhawa ang paghahanap ng mga libingan ng mga pumanaw na.
Sa kasalukuyan , mayroong 10, 214 na mga labi na maayos inilagay sa sementeryo. Pero kung titingnan mo para lang itong mga bakod. Sa unang tingin para itong public park dahil sa mga batang naglalaro at mga pamilyang nag pipiknik. Napapalibutan ito ng mga Palm trees na siyang magbigay ng lilim para sa mga bisita.
Bukod sa pagpapalit sa tipikal na hitsura ng sementaryo at ang karaniwang "nakakatakot" na kapaligiran, ang La Filipina Cemetery ngayon ay isa sa pinaka magandang sementeryo
sa Tagum City at isang magandang halimbawa ng kung paano pamahalaan ang isang
limitadong espasyo.
=====================================================================
GLORIOUS RESURRECTION CEMETERY, INC.
Ang Glorious Resurrection ay kalapit lang ng La Filipina Public Cemetery
see : https://www.youtube.com/watch?v=7JzK5THtlBU
Ang mga pribadong sementeryo naman gaya ngGlorious Resurrection Cemetery, Inc. ayibang-iba sa mga pampublikong sementeryo. Sa pagpasok pa lang, walang naramdamangtakot ang pangkat sa pagdalaw sa himlayan ng mga namayapa. Dito mo makikita ang mga naglalakihan at magagarang libingan.Sa ganda ng mga museleo ay nanaisin ng mga nabubuhay na tumira na sa mga ito.Tahimik at maaliwalas ang kapaligiran pero hindi ito subdivision kundi isang pribadong sementeryo. Hile-hilera ang malalaking istruktura na pawang mga mansiyon sa unang tingin.
Nakalibing man sa pampubliko opribadong sementeryo ang iyong mga yumaong mahal sa buhayMahirap ay may kanya-kanyang paniniwala pagdating sa paglilibing ng mga yumao. Ang mahalaga ay ang taos-pusong panalangin para sa matiwasay na paglalakbay ng ating mga yumao patungo sa kabilang buhay kahit magpatayo ng malaking museleo o maliit na puntod lang ang mga pamilya.